IQNA

Walang Katapusan sa Paningin ang Pagdurusa ng Rohingya

9:42 - July 12, 2020
News ID: 3001871
TEHRAN (IQNA) - Habang ang mundo ay nakasirado bilang resulta ng sakit na mikrobyong korona (COVID-19), at ang media ay nakatuon sa pang-ekonomiya at panlipunang epekto ng pandemya, ang Rohingya ay patuloy na nagdurusa sa ilalim ng walang awa na rehimen sa kanilang tinubuang-bayan, Myanmar, at sa bahagyang pagkaparalisa sa kampo ng mga taong takas sa Bangladesh.

Ang mikrobyong korona ay dagdag lamang sa kanilang umiiral na pagdurusa. Kahit na ang mapanganib na pag-asam ng pagtatangka upang makatakas sa madaya na magaspang na mga dagat sa paghahanap ng isang mas mabuti na buhay ay hindi na isang pagpipilian.

Sa isang pahayag sa ika-44 na pagpupulong ng Sanggunian ng mga Karapatang Pantao noong nakaraang linggo, sinabi ng Mataas na Tagapamahala ng UN para sa mga Karapatang Pantao (UNHCHR) na si Michelle Bachelet: "Ang krisis ng taong takas na Rohingya ay epektibong naging matagal, na walang kalutasan na nakita."

Ang kalagayan ng karapatang pantao na kinakaharap ng Rohingya sa Estado ng Rakhine, Myanmar, ay hindi napabuti, at ang mga kalagayan na kinakailangan para sa kanilang kaligtasan, marangal at napapanatiling pagbabalik ng tirahan mula sa Bangladesh ay hindi nasa lugar, sinabi niya. Bilang karagdagan, ang mga paghihigpit na nakalagay na makamtan ang makatao at kalayaan ng kilusan bilang bunga ng pandemya ay nagpalala sa kalagayan.

Daan-daang mga tao ang nagtangkang tumakas sa ibang mga bansa sa mga bangkang umaalog, na ang maging bunga sa huli ay iwaksi lamang ng mga awtoridad sa patutunguhan na mga bansa sa takot na ang mga taong takas ay maaaring kumalat ang mikrobyong korona, na iiwan sila ng dalampasigan sa dagat nang maraming mga buwan.

Sa hindi wastong mga kampo ng mga taong takas sa Cox's Bazar sa Bangladesh, samantala, ang banta na dala ng mikrobyo ay nadagdagan sa pamamagitan ng hindi malinis at masikip na mga kalagayan sa pamumuhay. Halos imposible ang pagbigay ng agwat sa bawat isa. Nakatira ang mga pamilya sa malapit na tirahan sa mga malambot na kawayan. Gumamit sila ng panglahat na mga kubeta at mga pasilidad ng tubig na hindi laging malinis o magagamit. Kahit na ang pinaka-pangunahing mga bagay, katulad ng sabon, ay mahirap matagpuan.

Sa madaling mga salita, ang Rohingya ay mapapahamak saan man sila pupunta.

Habang ang Mataas na Tagapamahala ng UN para sa mga Taong Takas ay nagtatrabaho sa mga kampo upang maprotektahan ang mga tao mula sa COVID-19 at gamutin ang mga nahawaan, isang pagbabawal sa internet na ipinataw ng pamahalaan ng Bangladeshi "sa mga kadahilanan ng pangseguridad" ay nakadagdag sa pagkabalisa ng mga taong takas. Iniwan sila mula sa labas ng mundo na walang ugnayan sa mga balita o maaasahang kaalaman tungkol sa pandemya. Ang maging resulta, mabilis na kumalat ang mga tsismis.

Ang tumataas na bilang ng nakumpirma na mga kaso ay naglalagay ng pagtataas na tindi sa kakayahan ng ahensiya ng taong takas ng UN na magbigay ng sapat na kagamitan at pasilidad ng paghihiwalay, gamot, pagkain at tubig, at magsagawa ng mga pangagamot na pagsusuri. Naubos na ng pondo at mga mapagkukunan ng tao.

Samantala, hinarang ng mga awtoridad ng Bangladesh ang isang bangka na nagdadala ng daan-daang mga taong takas at dinala iyon sa isang liblib na isla, tila sa isang pagsisikap na mabawasan ang peligro ng mga iyon sa pagkalat ng mikrobyo sa Cox's Bazar.

Ginagawa ng Bangladesh ang makakaya nito, na may limitadong mga mapagkukunan, upang matulungan ang mga taong takas. Gayunpaman, nakikibaka ito na makayanan ang mataas na bilang ng mga kaso ng mikrobyong korona sa buong bansa at pagkawala ng maraming mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.

Sa Estado ng Rakhine, kung saan nakatira ang karamihan sa mga Rohingya, patuloy silang nagdadala ng matindi na armadong sagupaan sa pagitan ng militar, tinawag na Tatmadaw, at ang Hukbong Arakan, isang grupo ng panunupil na sumusuporta sa pagsisikap ng mga Buddhistang Rakhine na naghangad ng malawak na pamamahala sa sarili at mas malaki na pag-unlad. Itinuturing ng pamahalaan na ito ay isang grupong terorista.

Sa panahon ng tinatawag na "paglilinis na operasyon" na inilunsad ng Tatmadaw, sinabihan ang mga mamamayan na iwanan ang kanilang mga tahanan at ang "sinumang maiiwan ay maituturing na Hukbong Arakan." Libu-libong tumakas bilang bunga ng mabibigat na paglalaban.

Ayon sa UNHCHR, isang huwaran ang lumitaw ng malubhang mga paglabag sa karapatang pantao at batas na makatao na pandaigdigan, kabilang na ang mga pagsasalakay na panghimpapawid at pamamaril doon sa mga lugar ng sibilyan, at ang pagkawasak at pagsusunog ng mga nayon.

Noong nakaraang buwan, iniulat ng Tatmadaw na sinunog ang malalaking mga lugar ng bayan ng Buthidaung. Humigit-kumulang sa 700,000 na Rohingya ang napilitang tumakas mula sa lugar patungong Bangladesh noong 2017 kasunod ang malupit na paghihigpit ng militar, na sinabi ng UN na isinasagawa na may "hangarin ng pagpupuksa ng mga tao." Ang mga ulat sa nakakita magsabi at imaheng satelayt ay nagmumungkahi na dose-dosenang mga nayon ng Rohingya ay sinunog sa lupa.

Ang kahalagahan nito ay hindi lamang sa katotohanan na ang mga nayon na ito ay naglalaman ng mga tahanan kung saan inaasahan ng mga taong takas na Rohingya na maaari silang makabalik bungang araw. Naglalaman din sila ng katibayan ng kung ano ang naganap noong 2017. Limang mga buwan bago sila nasunog, sa katunayan, ang Pandaigdigang Hukuman ng Katarungan (International Court of Justice) (ICJ) ay naglabas ng isang kautusan na nagbabawal sa pagwasak ng mga katibayan na nnagsusuporta sa mga paratang ng pagpatay sa lahi.

Noong 2019, Kinuha ng Gambia ang kaso ng Rohingya sa ngalan ng Samahan ng Islamikong Pakikipagtulungan (OIC). Dinala ng bansang Aprikano ang paratang ng pagpatay sa lahi sa ICJ at naghangad ng pansamantalang mga hakbang upang wakasan ang mga pagpatay, protektahan at mapanatili ang katibayan, at parusahan ang mga may pananagutan

Noong Enero 23 sa taong ito, inihayag ng ICJ ang isang palatandaan na kapasiyahan sa mga pansamantalang hakbang na ito. Pinagkakaisa na itinataguyod ng lahat ng 17 na mga hukom, ipinag-utos ng nakapangyarihang pagpapasiya sa Myanmar na: gumawa ng kaagad na pagkilos upang maiwasan ang karagdagang pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ng mga taong Rohingya; iwasan ang pagsira o pinsala sa katibayan na may kaugnayan sa kaso; at mag-ulat palagi sa ICJ sa kilos na ginagawa upang matiyak na sinusunod ang mga kautusan na ito.

Patuloy na itinanggi ng Myanmar ang anumang hangarin ng pagpatay ng lahi, habang tumanggi na makipagtulungan sa natatanging kinatawan ng UN sa Myanmar o sumunod sa mga kautusan ng ICJ.

Ang ugat na sanhi ng mga paglabag at pang-aabuso na tiniis ng mga Rohingya sa Myanmar ay hindi nawala. Kasama dito ang diskriminasyon at pagbubukod na nabuo sa mga batas at mga patakaran ng pamahalaan, katulad ng pagwawasto sa karapatan ng pagkamamamayan noong 1982, na nagbigay sa kanila ng walang-estado at hinihigpitan na makamatan ang kanilang pangunahing karapatang pantao, paglilingkod at malayang kilusan.

Ang panukalang 2017 ng Sanggunian ng Karapatang Pantao ng UN ay nanawagan para sa isang komprehensibong kalutasan sa krisis ng Rohingya sa loob ng tatlong mga taon. Pagkalipas ng dalawa at kalahating mga taon, ang kanilang kalagayan ay masama pa katulad noon, kung hindi mas masahol pa.

Kailangang may paraan para sa pamayanan na pandaigdigan upang matulungan ang paglutas ng krisis na ito, at iba pang mga kaso na kinasasangkutan ng maliwanag na paglabag sa batas na pandaigdigan at karapatang pantao, kung hindi man ang kredibilidad at mga pamantayan ng mga samahang pandaigdigan ay may pagdududa.

Ngunit pagkatapos, alam na nating lahat ang iba pang naiindayog na mga krisis, katulad ng isyu ng Palestino at ang isyu ng Kashmir, kung saan ang kalooban ng isang bansa ay nagpapatuloy na lampasan ang pamayanan na pandaigdigan.

Ni Maha Akeel (manunulat ng Saudi na nakabase sa Jeddah)

 

 

3471954

captcha