IQNA

Kaisipan Aql na mga Katibayan Kung Bakit Kailangan ang Pananaliksik ng Relihiyon

9:27 - November 23, 2021
News ID: 3003424
TEHRAN(IQNA)- Kinuha sa aklat ng Ṣirāṭ Mustaqīm ni Shaykh Muḥammad Hādī Nabawī at isinalin sa wikang Pilipino ni Montazer R. Bongalon

Kaisipan [‘Aql] na mga Katibayan Kung Bakit Kailangan ang Pananaliksik ng Relihiyon
 
Kinuha sa aklat ng “Ṣirāṭ Mustaqīm” ni Shaykh Muḥammad Hādī Nabawī at isinalin sa wikang Pilipino ni Montazer R. Bongalon
 
 
 
Ang Ugnayan ng Kabutihan at Kapinsalaan ng Tao sa Pamamagitan ng Pananaliksik ng Relihiyon.
     Unang katibayan ay ganito na ang tao doon sa lawak ng mga isyu ng relihiyon ay hindi siya magkakaroon ng pananaliksik na darating ang araw na mapansin niya ang mga pinsala sa iyon doon sa kanyang pamumuhay. Upang maunawaan ng mabuti ang paksâ gumamit tayo ng halimbawa na maintindihan ng kaisipan. Halimbawa ipalagay ninyo, isang manlalakbay o kayâ manihero na dumating sa isang krosing. Ang lahat ay nagkakaisa ng pananaw na ang paghintô at pagpananatili dito sa krosing o tawiran na daan ay mapanganib at ang manlalakbay kailangan talaga na pipili sa isa sa mga daan at doon man siya ay magpapatuloy sa paglalakbay. Sa panahon na ang tao mapilitan talaga na manaliksik sa tamang daan kung saan siya pupunta, nakaharap siya ng iilang bilang ng mga patnubay: inaanyayahan na pupunta sa isa sa mga daan na tama, ito ay ang kanang panig, ang kaliwang panig, ang ikatlo ay ang tuwid, at ang ikaapat naman ay papunta sa iba. Sa itong kalagayan ang paghintô doon sa gitna ng krosing sa daan ay mapanganib. Sa iba naman, ang pagpipili ng tamang daan sa gitna ng daan ay mahirap. Sa itong kalagayan ang malusog at mabuting kaisipan ay hindi papayag sa itong tao na walang gawaing hakbang na mabuti at tamang pananaliksik na pipili na lamang sa isa sa mga daan at siya ay magpatuloy sa sarili, subalit dapat na mag-udyok siya sa kanyang sarili na kailangan maghanap at manaliksik sa tamang daan at tiyakin na malampasan niya ang panganib na iyon.
     Isang tao dumating sa kanya na nag-anyaya sa iba’t-ibang mga relihiyon at nagbigay ng kaalaman silang lahat na ang walang relihiyon ay mapanganib at hindi tama katulad sa isang tao na humintô sa mapanganib na tawiran na daan. Sapagkat, ang iba’t-ibang mga pinagdaraanan ng kasaysayan, mga paaralan ng kaisipan, mga bilang ng mga relihiyon kasama ang mga pananaw, at iba’t-ibang mga pananampalataya na umaangkin ng katotohanan at nagbibigay diin ng kaseguruhan ng kasiyahan ng tao sa mundo at sa Kabilang Buhay. Sa ganitong kalagayan ang malusog na kaisipan ay hindi papayag na kahit ano na lamang na relihiyon ang kanyang gustong pipiliin at alinsunod sa iyon gumawa ng pamantayan ang kanyang sarili ng mga paniniwala, mga kilos, mga katungkulan at mga pag-uugalî. Sapagkat alam natin ng mabuti na iilan sa mga daan ay masyadong mapanganib at ang katapusan sa iyon ay mawala sa daan, mahuhulog sa bukal, mawala sa landas at magbunga ng kaparusahan.
     Ang malusog na kaisipan magpasiya talaga sa tao na dapat mananaliksik at maghahanap siya at pipilî sa tamang daan; katulad sa paghanap ng tamang tirahan o direksiyon na magsikap sa paghanap ng mabuti at magtanong doon sa iba’t-ibang mga tao sa daan upang makamtan ang totoo na paaralan ng kaisipan [mażhab] kailangan talaga rin magsikap. At ganon din sa tunay na relihiyon na kailangan magsikap sa epektibo at tama na pananaliksik. At kasama sa epektibong mga pananaliksik marating ang tama at tunay na paaralan [maktab] at relihiyon. Pagkatapos alinsunod sa iyon ay pamamahalaan niya ang kanyang sariling buhay at sa itong daan matitiyak niya ang kanyang sarili na nasa kaligtasan at kaligayahan sa mundo at sa Kabilang Buhay. Ang kahalagahan sa itong pag-angkin at sa itong punto ay lalong mahalaga na kung saan ang gulang ng tao ay hindi na babalik pa muli. At sa itong pakikiugnayan mangyari lamang sa isang pagkakataon at sa isang karanasan lamang sa buhay. Sa itong mga kalagayan magpasiya ang malusog na kaisipan na katapat sa itong taong gulang ay ihahanda o gagamitin ng mabuti upang ang katumbas sa iyon ay kaligayahan sa mundo at sa Kabilang Buhay. At itong mahalagang isyu ay hindi maikasatuparan maliban sa tamang pananaliksik at pagtatagpô sa tunay na relihiyon at mażhab.
 
Gusto ng Kabatiran at Pagsagot sa Mahalagang mga Katanungan
     Umaangkin ang Islamikong mga iskolar - itong pag-angkin para sa bawat sinumang tao may kaunting kaibahan sa pag-unawa at pagtamo - ang tao sa kanyang likas at buod na katangian ay kumikiling na gustong malaman ang katotohanan at palaging umakit na matagpuan ang mga katotohanan. Kahit na itong mga katotohanan ay nandoon pa sa mga kalangitan o kayâ nasa ilalim ng mga karagatan. Kung nalalaman ng tao ang iilang daan na mga bagay na hindi niya nalalaman noon ang kasagutan uulitin pa rin niya ang paghahanap sa ibang hindi pa nalalaman na mga bagay at palaging gusto niya na madagdagan ang kanyang kaalaman. Sa itong likas na katangian na damdamin ng tao ang magbibigay na pagganyak o pag-akit na hanapin din ang tungkol sa totoong relihiyon at upang makamtan ang tunay na relihiyon ay kailangan bigyan talaga ng panahon ang pananaliksik. 
     Mga hindi nalalaman ng tao sa buhay ay masyadong marami at doon sa pagpatuloy ng buhay humaharap ng maraming mga katanungan, katulad sa mga ito: Saan tayo galing? Saan tayo pupunta? Ano ang ating tungkulin sa mundong ito? Ang tao ba gusto na malaman na mayroon Tagapaglikhâ itong mundo o wala? Kung mayroon man na Tagapaglikhâ, ano ang Kanyang mga katangian at paano Siya bigyan ng Kanyang Katangian? Ang tao ba ay materyal na pagkakaroon lamang o kaya nagkakaroon din ng kaluluwa (espirituwal)? Pagkatapos sa itong mundo mayroon pa ba na ibang mundo rin o itong mundo lamang? Kung ipalagay na mayroon na ibang mundo, paano ang ugnayan sa itong mundo at sa iyon na mundo? Lahat na itong mahalagang mga katanungan ay tinatalakay doon sa pagpatuloy ng buhay ng tao. At kung sa isang saglit mayroon na bakante ang kanyang sarili na mag-iisa na lamang sa isang pook, tiyak na harapin niya itong ganito na karaming mga katanungan.
     Umangkin ang Banal na mga Propeta at galing sa Panginoon na mga relihiyon na mayroon silang tama at kapani-paniwalang mga kasagutan at mga pananaw sa iyon sa pamamagitan ng mga Propeta na bilang handog o pinagkakaloob para doon sa tao. Sa panahon na ang tao haharap ng mahalagang mga katanungan sa kanyang sariling buhay, alinsunod sa likas na katangian na ibinigay ng Panginoon sa kanya ay hahanap talaga siya ng katotohanan at makamtan ang kasagutan niya sa kanyang sarili ang mahalagang mga katanungan. Dahil dito, ang likas na katangian na gustong magkakaroon ng kabatiran ay umaakit sa tao na bigyan ng kahalagahan at panahon ang pananaliksik. Sa ibang panig, ang nag-iisang sanggunian na maaaring magbigay ng malawak at tumpak na kasagutan doon sa lahat na mahalagang mga katanungan ng tao ay ang galing sa langit na mga relihiyon at mula sa Panginoon na mga Propeta. Ngunit hindi dapat makalimutan na ang galing sa langit na mga relihiyon din ay mayroon na pagkakaiba ng pananaw sa mga bahagi mula sa mahalagang mga katanungan, pamamaraan ng paghaharap at tungkulin ng tao sa pamumuhay. Sa ganon, upang masagot ang likas na panawagan at makapaniwala ang tao sa mahalagang mga katanungan ay kinakailangan na ang tao gugugol ng bahagi sa kanyang panahon sa buhay doon sa tama na pananaliksik ng relihiyon, sa ganitong kasangkapan na makamtan ang tunay na relihiyon at tunay na paaralan ng kaisipan [mażhab].
 
Mga Nagawa ng Relihiyon sa Pamumuhay ng Tao
   
     Pangatlong katibayan: Ang umaakit sa tao na magkakaroon ng mga pananaliksik sa relihiyon ay dahil na ang tao nangangailangan ng relihiyon at sa ibang salita, mga kahanga-hangang tagumpay ng relihiyon sa pamumuhay ng tao. Ang tao nangangailangan palagi ng mga kautusan ng relihiyon. Sa ibang panig, ang relihiyon magbibigay epekto at mga kabutihan sa bawat pamumuhay ng tao at sa lipunan. Ang mga kabutihan at mga epekto sa iyon ay walang maaaring sinuman na makapagbigay maliban ang relihiyon lamang. Ang sumusunod na mga halimbawa na nagtuturô sa mga epekto at mga kabutihan na naibigay ng relihiyon.  
 
Tumupad sa Kasunduan at Tumanggap ng Tungkulin
     Ang tao ay isang pagkakaroon na tumanggap ng tungkulin at masyadong mahalaga. Ang bagay na kung saan magbigay sa tao ng kasunduan at tungkulin ay ang relihiyon. Ang resulta ng paniniwala ng relihiyon ay ang pagtanggap sa mga batas ng Maykapal, pagsunod sa mga batas ng lipunan, ipagtatanggol ang ugali sa bawat tao at lipunan at pagsunod sa pangkalahatang mga batas. Katulad na nangangailangan ng pagkakaroon ng polisiya upang ipapatupad ang mga batas at ipagtanggol ang mga kahalagahan ng tuntuning kagandahang-asal, gayon din ang gawain sa pagkakaroon ng relihiyon. Sapagkat ang relihiyosong tao sa anuman na mga kalagayan at kondisyon ay susunod siya sa mga batas ng lipunan, sa mga kautusan ng relihiyon at tuntunin ng kagandahang-asal. Dahil doon, ang unang gawain ng relihiyon at pangangailangan ng tao sa relihiyon ay ang pagtanggol sa mga batas at tuntunin ng kagandahang-asal sa lipunan. Sa anyo na ang relihiyon sa lipunan ay naging samahan, mabigyan ng garantiya na maipatupad ng masyadong mabuti ang batas ng lipunan, at maipagtanggol ang mga kahalagahan ng kagandahang-asal sa lipunan.
   
Ipapaunlad ang Kaisipan ng Tao, Ituwid ang mga Pananampalataya at Pipigilan ang mga Guni-guni at mga Pamahiin
     Ikalawang gawain ng relihiyon sa buhay ng tao ay paunlarin ang mga kaisipan, ituwid o ilagay sa tama ang mga pananampalataya at hahadlangan ang tao na pupunta tungo sa mga pamahiin at mga guni-guni. Ang kasaysayan magpatunay na ang lahat na mga Propeta ng Panginoon lumalaban sa mga guni-guni, mga pamahiin, mga pag-iisip na walang kabuluhan galing sa tao at palagi nag-alok sa itong isyu upang umuunlad ang mga pag-iisip ng mga tao at lalakbay na umiwas sa mga guni-guni at pamahiin tungo sa daan na marangal na pag-iisip at pananampalataya. Dahil dito, ang relihiyon ay mabilang na isa sa mga pangunahing sanhi at mahalaga upang maipataas ang pag-iisip at pananampalataya at mabilang na pinakamabuti na hadlang at pinakamahalagang magtaguyod para sa malusog na lipunan ng tao.
 
Magbigay ng Kahulugan sa Buhay
     Ikatlong kabutihan na maibigay ang relihiyon ay magbibigay ng kahulugan sa buhay ng tao. Sa itong kahulugan, kung ang tao ay walang relihiyon maramdaman niya na walang kahulugan ang buhay at mag-iisip siya sa kanyang sarili na walang pagkakakilanlan. Ngunit sa sinuman na nagkakaroon ng pagtaguyod ng relihiyon, palagi siya sa itong paniniwala na ang paglikhâ sa tao ay alinsunod sa dunong ng Tagapaglikhâ at ang Dakilang Panginoon ay nilikhâ ang tao para sa banal na layunin. Sa itong kalagayan ang relihiyosong tao ay hindi talaga magdaramdam ng walang kabuluhan at walang kahulugan ang buhay. Dahil dito, para malabanan ang pagdamdam na walang kabuluhan at walang kahulugan ang buhay, ang relihiyon ay ang magbibigay na pinakamabuting kahulugan sa buhay ng tao.
 
Magbigay ng Banal na Kakayahan doon sa mga Layunin ng mga Tao at Lipunan
      Ikaapat na kabutihan na maibigay ang relihiyon. Magbibigay ng banal na kakayahan na mag-udyok sa mga tao tungo sa mga layunin ng tao at lipunan. Ang lipunan na gusto umunlad at marating ang kaunlaran, ang lahat na mga layunin at mga mithiin nila ay kailangan na mayroon na panig ng kabanalan. Sa paraan na ang tao ay gusto na marating ang kanyang banal na mga layunin at mga mithiin ay kailangan rin na mag-alay siya sa kanyang sarili. Iyon ay malinaw na minsan nakabaon din sa puso at buhay ng tao ang relihiyosong mga kahalagahan at mga paniniwala, at gawin ang kanyang sarili na bumihag at umakit na alin siya ay handa na iwanan ang lahat na bagay sa kanyang sarili upang manatili lamang ang kanyang relihiyosong mga kahalagahan at mga paniniwala. 
 
Lumikhâ ng Mithiin, Magbigay ng Pag-udyok at Magbigay ng Kabilisan sa Gawain
     Iba na mahalagang mga gawain ng relihiyon ay lumikhâ ng mithiin, magbibigay ng pag-uudyok at magbibigay ng bilis sa kilos. Ang kaibahan sa tao na walang-relihiyon at sa tao na mayroong relihiyon ay iyong bilis ng kilos sa dalawa. Ang relihiyosong tao lalong mabilis ang kilos at higit na tama na mag-unawa sa mga gawain, at mayroon din na mataas na kakayahan at pagtatanggol. Sa ibang salita, ang tao na mayroong relihiyon kung ihahambing sa ibang mga tao sa pantay-pantay na mga kalagayan ay masyadong malakas, lalong lumalaban, higit na matiisin at lalong mamalasakitin.[1]
 
 
[1] ‘Alī, Shīrwānī; Dars Nāmeḥ ‘Aqā’id, p. 33 – 35.
Tags: Relihiyon
captcha